Pagpapakilala
Susunod | Paano magsimula |
---|
Pagpapakilala
Dito sa translatewiki.net bumubuo kami at tuluy-tuloy na nagpapainam ng imprastrukura para sa maginhawang lokalisasyon ng mga proyektong may bukas na mga pinagmulan at malalayang mga kasulatang nakasulat. Sinisikap naming makamit ang aming dalawang mga layunin.
Ang unang layunin ay ang pagkamabisa ng pagkakagawa. Upang mapataas ang bisa ng paggawa ng proseso, dumirikit kami ng mahigpit sa paraan ng pagpapaunlad ng sopwer upang magkaroon ng maliliit na panahon ng pagikot-pabalik. Bilang karagdagan, nagpapaunlad kami ng mga kagamitan upang maging kusa ang integrasyon ng mga salinwika. Nakakatulong ito upang magtuon lamang ng pansin ang mga tagapagsalinwika sa paglikha ng maaaring pinakamaiinam na mga salinwika.
Ang pangalawang layunin namin ay pakikipagtulungan. Ang buong sistema ay binuo sa isang wiki. Isang tanyag na makinang wiki ang MediaWiki na nagbibigay ng balangkas para sa pagtatatag ng mga pamayanang nagtutulungan. Hinihikayat namin ang mga tagapagsalinwika na tulungan ang bawat isa sa kahabaan ng mga hangganan ng mga proyekto at wika sa maraming mga kaparaanan, at gumanap bilang isang pandikit sa pagitan ng mga tagapagpaunlad at mga tagapagsalinwika.
Hindi kinakailangan kung sanay kang magprograma. Kung sanay ka sa isang sopwer ng wiki, madali mong matututunan kung paano gamitin ang translatewiki.net. Ang tanging mga kailangan lamang ay ang mabuting kaalaman ng mga wika, isang pantingin-tinging sa web at isang bukas na isipan.
Ang pangunahing proyekto ng translatewiki.net – ang MediaWiki – ay kasalukuyang ginagamit sa loob ng mahigit sa 300 mga wika. Tumatanggap ang Translatewiki.net ng mga pagsasapanahon sa mahigit sa 100 mga wika bawat buwan.