Jump to content

Project:Patungkol

From translatewiki.net
This page is a translated version of the page Project:About and the translation is 50% complete.
Outdated translations are marked like this.

Ang Translatewiki.net ay isang plataporma ng lokalisasyon para sa mga pamayanan ng pagsasalinwika, mga pamayanan ng wika, at mga proyektong malaya at bukas na napagkukunan. Nagsimula sa pamamagitan ng lokalisasyon para sa MediaWiki. Idinagdag pagdaka ang suporta para sa mga pandugtong ng MediaWiki, FreeCol at iba pang mga proyektong malalaya at bukas ang pinagkukunan. Tingnan ang buong talaan ng sinusuportahang mga pahina.

Ang Translatewiki.net ay hindi isang bahagi ng mga proyekto ng Pundasyong Wikimedia, o ng anumang pundasyon o proyektong bukas ang pinagkukunan. Pinatatakbo ito nina Nike at Siebrand, na kapwa mga tagapagpaunlad at mayroong malaking karanasan sa i18n at L10n, pati na rin ng iba pang mga kasaping tauhan. Ang pantungkuling pagsasalinwika ay ibinibigay ng pandugtong ng MediaWiki sa Pagsasalinwika. Palaging naglalaman ang wiking ito ng mga kodigong pang-eksperimento, at maaaring mapatid paminsan-minsan. Mangyaring maging matiyaga, ang mga suliranin ay karaniwang nalulunasan kaagad-agad, Ang mga suliranin ay maaaring iulat sa pahina ng suporta.

Bakit gamitin ang translatewiki.net

  • Ang pinakamagandang tool sa pagsasalinwikang magagamit sa web. Nangyayari ang lahat ng update sa lokalisasyon sa isang madaling interface, at may mga tao sa paligid na maaaring tulungan ang mga tagapagsalinwika. Sa paggawa ng isang pagsasalinwika, nabibigay ang mga hint upang intindihin ang tamang kahulugan at paggamit nito, pati na rin ang mga mungkahi mula sa mga serbisyong memorya ng pagsasalinwika/pagsasalinwikang makina.
  • Walang partikular na pribilehiyo ang kailangan, maaaring umambag ang lahat. Pinapayagan ang lahat na maaaring umambag sa isang wika (tignan ang ibaba) na tumulong sa lokalisasyon ng wikang iyon.
  • Madali lang ang pagtatrak ng mga pagbabago. Hindi lamang madaliang mahahanap ang mga mensaheng hindi pa naisasalin: kung kailan man magbago ang tekstong pinagmulan, naka-tag ang mga apektadong pagsasalin para sa madaling identipikasyon. Hindi na kailangang magsayang ng oras ang mga tagapagsalinwika sa paghuhukay ng anumang kinakailangang gawan.

Malawakang paglalarawan sa kaparaanan ng translatewiki.net

  • Sa translatewiki.net ang mga tagapagsalinwika ay nagsasalinwika ng ugnayang-mukha ng sopwer para sa mga produkto kung saan ang mga bagting ng tekstong nasa Ingles ay naibukod na mula sa kodigo at naiayos na upang maging isa-isang mga "mensahe".
  • Kapag sumali ang isang bagong proyekto, inaangkat ang mga mensaheng pinagmulan na nasa Ingles. Pana-panahong inaangkat ang karagdagang pang mga mensaheng nasa Ingles.
  • Ang mga kabahaging pahina na pinangalanang /qqq ay ginagamit para sa dokumentasyon ng mensahe. Ang kasulatan ay kinakamay na isinusulat at pangkaraniwang mayroong mas mainam na uri kung saan umiiral ang mabuting komunikasyon sa piling ng orihinal na pangkat ng tagapagpaunlad ng sopwer. Kung ang mga kumento sa kodigo ng pinagmulan ay kabahagi ng isang proyekto ng sopwer, ipinapakita rin ang mga ito sa loob ng ugnayang-mukha ng salinwika.
  • Ang mga tagapagsalinwika ay gumagawa ng mga mungkahi upang mapainam at maitama ang orihinal na mensaheng nasa Ingles, o halawin ito upang masuportahan ang lokalisasyon. Kapag nasang-ayunan, ang mga ito ay isasakatuparan ng mga kasapi ng translatewiki.net na mga tagapagpaunlad din sa kaugnay na mga proyketo, o iniuulat sa mga tagapagpaunlad ng proyekto.
  • Ang nakumpleto nang mga salinwika para sa bawat wika ay "inilalagak" sa mga proyekto ng tauhan ng translatewiki.net, kapag nakalampas na sa napagkasunduang bingit ng proyektong iyon ang pag-abot na ang kabuuang bilang ng mga salinwika para sa isang proyekto sa wikang iyon. Para sa dalas ng paglalagak at mga bingit tingnan ang mga pahina ng proyekto.
  • Ang mga labas na sopwer ng mga salinwika na nailagak na sa isang proyekto ay tinatabanan at isinasakatuparan ng mga tagapangasiwa ng proyekto at wala na sa mga kamay ng translatewiki.net.

Karapatang-ari at mga pagtatatuwa

ANG TRANSLATEWIKI.NET AY WALANG IBINIBIGAY NA PANANAGUTAN SA KATUMPAKAN

Isang pakikipagsapalaran para sa iyo ang paggamit ng mga salinwikang nasa loob ng translatewiki.net. Nilalayon ang mga ito na maging nagagamit ngunit hindi mapapanagutan ng translatewiki.net ang katumpakan ng nilalamang natatagpuan dito.

Ang translatewiki.net at mga patnugot nito ay hindi nagbibigay ng kahit na anumang pananagutan sa mga nilalaman, ipinahayag man, ipinahiwatig, o ayon sa batas, kasama na, ngunit hindi nakahangga lamang sa, anumang pananagutan ng pagkanaikakalakal o kaangkupan para sa isang tiyak na layunin o anumang pananagutan na ang mga nilalaman ay walang kamalian.

Ang mga salinwika ng mga tagapagsalinwika ay nilisensiyahan na CC-BY 3.0, at ang mga akdang hinalaw ay maaari ring nilisensiyahan sa ilalim ng mga lisensiya ng nauukol na mga proyektong Malaya at Bukas ang Pinagmulan na pinagragdagan o pagdaragdagan. Ang nilalaman ng mga pahina ng tagagamit ay itinuturing na "Nakareserba ang lahat ng mga karapatan" ng may-akda. Ang lahat ng iba pang mga nilalaman ay nilisensiyahan na CC-BY 3.0 maliban na lamang kung maliwanag na ipinahayag ang isang iba pang lisensiya o karapatang-ari.

Kasaysayan

Nagsimula ang translatewiki.net noong 2006 bilang isang wiking pangsubok, na pinaunlad ni Nike, na nakikipagtulungan si Gangleri, bilang isang kagamitan ng internasyunalisasyon para sa lokalisasyon ng sopwer ng MediaWiki. Nagsimula ito sa ilalim ng pangalang Betawiki, na naging translatewiki.net noong simula ng 2009, kasunod ng paglipat ng pook sa pagpapasinaya ng tagapaghaing birtuwal na nasa ilalim ng sarili nitong pangalan ng dominyo, noong ika-9 ng Nobyembre 2007. Sa pagsapit ng Oktubre 2007 ang translatewiki.net ay nag-aambag na ng lokalisasyon sa nasa 70 mga wika, na sa pagsapit ng Hunyo 2010 ay lumaki umabot sa 329 mga wika. Makikita kung paano lumaki ang bilang mga wika sa loob ng talahanayan ng mga panandang-batong naipasa para sa MediaWiki. Sa pagsapit ng Enero 2010 kinailangan ang isang pagtataas ng uri sa nailululan ng tagapaghain, upang makaya ang pagtaas ng gawain. Ang Netcup ay naging mapagkaloob sa pagpapasinaya ng translatewiki.net magmula pa noong Nobyembre 2007.

Dahan-dahang naidagdag ang iba pang mga proyektong malalaya at bukas ang pinagmulan sa translatewiki.net, na nagsimula sa pamamagitan ng FreeCol noong Agosto 2007. Sa pagsapit ng Hunyo 2010 ang bilang ng mga proyektong sinusuportahan ay lumaking umabot sa 16.

Ang lahat ng mga tagapag-ambag sa translatewiki.net ay mga nagkukusang-loob, maliban na lamang sa isang tauhang kasapi na tumatanggap ng laang-salapi dahil sa bahagi ng kanyang panahon (tingnan ang pagpopondo sa ibaba). Ang mga tagapag-unlad, mga tagapangasiwa at mga tagapagsalinwika ay kinasundo sa una mula sa mga proyektong MediaWiki, natatangi na ang Wikimedia. Karamihan sa aming mga tagapag-ambag ay dumarating dito sa pamamagitan ng MediaWiki, subalit dahil sa palagiang pagdating ng marami pang mga proyekto, ang MediaWiki ay hindi na ang nag-iisang pinagmumulan ng mga tagapag-ambag. Sa pagsapit ng Hunyo 2010, ang bilang ng nagparehistrong mga tagapagsalinwika ay 1,860.

Sa pakikipagtulungan sa Bukas na Progreso ng Stichting at FUDforum, ang translatewiki.net ay naghanda ng ilang mga pagpapamuling-sigla ng mga pagsasalinwika na mayroong mga pabuya para sa makukuhang mga tagapagsalinwika, upang mapainam ang lokalisasyon ng MediaWiki at ng FUDforum.

Ang mga pakay ng translatewiki.net ay nakalarawan sa Pagpapakilala. Ang mga pantulong na pangteknolohiya sa mga tagapagsalinwika ay nakalarawan sa pahinang Teknolohiya. Ang mga pantulong na ito ay patuloy na pinalalawig at pinaiinam upang magawang maging mahusay na mahusay ang gawain ng pagsasalinwika sa abot ng maaari. Ang pangkasalukuyang mga pangangailangan at pagpapaunlad ng pook ay inilalarawan sa Mga paksa at tampok.

Pamumuhunan

  • Ang Translatewiki.net ay may kagandahang-loob na pinasisinayahan ng Netcup – webspace at vServer, sa kanilang paggugol magmula pa noong Nobyembre 2007, na mayroong mga pag-aangat ng uri noong Pebrero 2008, Enero 2010, Oktubre 2013, at Hunyo 2015.
  • Ang Bukas na Progreso ng Stichting at iba pa ay pana-panahong nagkakaroon ng paghahanda ng pondo para sa mga pagpapamuling-sigla ng mga pagsasalinwika upang mapainam ang lokalisasyon ng MediaWiki at iba pa, katulad ng pagkakapaliwanag sa itaas.
  • In 2012 the Wikimedia Foundation Language team worked on a project called Translation UX in which the translatewiki.net main page and our translation interface were replaced by modern, professionally designed and user tested versions.
  • Niklas Laxström and Siebrand Mazeland are or have been working for the Wikimedia Foundation and have contributed to translatewiki.net during their work time.

Mga taong nasa likuran ng translatewiki.net

Pangkaibuturang pangkat

Ang pangkaibuturang mga kasapi ng pangkat ay kasangkot halos araw-araw sa pagpapatakbo ng translatewiki.net. Nakakapunta rin sila sa mga tagapaghain at may pananagutan upang umandar ang mga bagay-bagay na may mangilan-ngilang mga suliranin lamang hangga't maaari. Para sa mas marami pang kabatiran mangyaring sumangguni sa kani-kanilang sariling mga pahina ng tagagamit.

We thank the following individuals for their significant contributions:

Niklas Laxström
Tagapagtatag, karamihan ang gawain sa pagpapaunlad
Siebrand Mazeland
Tagapamahala ng pamayanan, tagatuwang sa proyekto, tagapagpaunlad
Raimond Spekking
Tagapaglagak ng salinwika para sa MediaWiki, tagapagpaunlad

Sumasalalay din kami sa gawaing ginagawa ng iba pang mga kasapi ng aming pamayanan:

  • Ganglerimaagang tagapag-isip, hindi na masigla
  • GerardMEmbahador, publisidad sa pamamagitan ng tuwirang pakikipag-ugnayan, mga blog, StatusNet, Twitter
  • Lahat ng mga kaugnayan sa bawa't isang proyekto
  • Lahat ng mga tagapagsalinwika at iba pang mga kasapi sa proyektong ito

Makipag-ugnayan sa amin

Makapag-iiwan ka ng isang mensahe sa aming pangunahing pahina ng talakayan sa Suporta. Kung nais mo ng buhay na talakayan kung gayon subukan ang aming kanal ng IRC #mediawiki-i18n doon sa malayang buko. Hindi ninanais, subalit kung kailangan para sa kadahilang pangkaligtasan o pangpagpipribado maaari mong gamitin ang e-liham milang isang paraan ng pakikipag-ugnayan doon sa "translatewiki AT translatewiki DOT net" - palitan ang "AT" ng "@" at "DOT" ng ".", at tanggalin na rin ang mga patlang mula sa tirahang e-liham.

  • Matatalakay mo ang mga paksa hinggil sa isang partikular na wika sa piling ng mga tagapagsalinwika nito roon sa pahina ng usapan ng lagusan ng wika.
  • Matatalakay mo ang mga paksang nauukol sa isang partikular na proyekto sa piling ng mga tagatangkilik nito at sa tagapagpaunlad na pangpakikipag-ugnayan doon sa pahina ng usapan ng pahina ng proyekto.
  • Matatalakay m ang mga paksa sa piling ng mga indibiduwal na mga tagagamit sa kanilang pahinang pang-usapan ng tagagamit, o sa pamamagitan ng e-liham (lagitikin ang kawing sa e-liham na nasa loob ng panggilid na bareta na nasa ibabaw ng isang pahina ng tagagamit), kung pinili nilang magpahintulot ng e-liham.