Jump to content

Project:Patakaran sa paglilihim

From translatewiki.net
This page is a translated version of the page Project:Privacy policy and the translation is 60% complete.
Outdated translations are marked like this.


Pangkalahatang saklaw

Nasasakop ng patakarang ito ang mapagkakakilanlang mga kabatirang pansarili na natipon o inimbak ng translatewiki.net doon sa mga tagapaghain nito kaugnay ng proyekto at ng mga pamayanan nito. Lumilipon at nagpapanatili ang translatewiki.net ng pinakakaunting dami ng kailangang magkakakilanlang mga kabatirang pansarili upang maisakatuparan ang mga pangangailangan sa pagpapatakbo.

Ang kalikasang pangmadla at pampagtutulungan ng mga proyekto

Ang translatewiki.net ay pinagtulungang paunlarin ng mga tagagamit nito sa pamamagitan ng sopwer ng MediaWiki. Sinumang nabigyan ng kapahintulutang mamatnugot ay maaaring magbago ng mga pahinang maaaring baguhin ng pook na ito habang nakalagda bilang isang nakarehistrong tagagamit. Sa paggawa nito, ang mga patnugot ay lumilikha ng isang kasulatang nakalathala, at isang talaang pangmadla ng bawa't isang salitang nadagdag, nabawas, o nabago. Isa itong gawaing pangmadla, at ang mga patnugot ay makikilala ng madla bilang may-akda ng gayong mga pagbabago. Lahat ng mga ambag na ginawa sa proyektong ito, at lahat ng pangmadlang makukuhang kabatiran hinggil sa mga ambag na iyon, ay nakalisensiyang hindi na mababawi pa at maaaring kopyahin nang malaya, sipiin, muling gamitin at halawin ng pangatlong mga partido na may mangilan-ngilang mga kabawalan.

Mga gawain sa translatewiki.net

Sa pangkalahatan, ang Patakaran ay inilalapat lamang sa kabatirang pribado na nakaimbak o hinahawakan ng translatewiki.net na hindi makukuha ng madla.

Ang mga pakikisalamuha sa translatewiki.net na hindi nasasaklawan ng Patakarang ito ay kinabibilangan ng, ngunit hindi humahangga sa, mga aspeto ng pagtingin-tingin at pamamatnugot ng mga pahina, paggamit ng tungkuling "tagagamit ng e-liham" ng wiki. Ang ganitong mga pakikisalamuha ay maaaring maglantad ng tirahan ng IP ng mang-aambag, at maaaring iba pang kabatirang pansarili, sa madla na walang itinatangi, o sa tiyak na mga pangkat ng mga nagkusang-loob na malayang gumaganap mula sa translatewiki.net.

Ang mga tagagamit ay maaarin ring makisalamuha sa isa't isa sa labas ng translatewiki.net, sa pamamagitan ng e-liham, IRC o ibang satsatan, o malalayang mga pook sa web, at dapat na usisain ang mga panganib na kaagapay, at ang kanilang pansariling pangangailangan ng pagsasarilinan, bago gamitin ang mga kaparaanang ito ng pakikipag-ugnayan.

Mga akawnt ng tagagamit at pag-akda

Ang mga patnugot sa translatewiki.net ay kailangang magpatala sa websayt, bagaman ang ilang mga pahina ay maaaring baguhin nang hindi lumalagda sa pamamagitan ng pangalan ng tagagamit, kung kaya't sa gayong pagkakataon sila ay makikilala sa pamamagitan ng tirahan ng IP ng network. Ang mga tagagamit na nakapagpatala ay makikilala sa pamamagitan ng kanilang piniling pangalan ng tagagamit. Ang mga tagagamit ay pumipili ng isang hudyat, na lihim at ginagamit upang matiyak ang pagiging tunay ng kanilang akawnt. Maliban na lamang sa maaaring kailanganin ng batas, walang tao na dapat magbunyag, o nagsasadyang ilantad, ang mga hudyat ng tagagamit at/o mga otap na nilikha upang makilala ang isang tagagamit. Kapag nalikha na, ang mga akawnt ng tagagamit ay hindi tatanggalin, maliban na lang kung mayroong hayag na layuning masama, na hahatulan ng tauhan ng translatewiki.net. Maaaring mabago ang isang pangalan ng tagagamit. Hindi mapapanagutan ng translatewiki.net na ang pangalan ng tagagamit ay mababago kapag hiniling.

Layunin sa pagtipon ng kabatirang pribado

Hinahangganan ng translatewiki.net ang pagtipon ng mapagkikilanlang pansariling dato ng tagagamit para sa mga layuning naglilingkod para sa kapakanan ng mga proyekto nito, kabilang ngunit hindi para sa mga sumusunod lamang:

Upang mapainam ang pananagutang pangmadla ng proyekto. Kinikilala ng translatewiki.net na ang anumang sisteman na may sapat na pagkakabukas upang mapayagan ang pinaka malaking maaaring paglahok ng pangkalahatang bilang ng madla ay maaari ring mapinsala ng partikular na mga uri ng pang-aabuso at ng mga kaasalang labag sa pagiging kapakipakinabang. Naglunsad ang translatewiki.net ng isang bilang ng mga mekanismo upang maiwasan o malunasan ang mga gawaing mapang-abuso. Bilang halimbawa, kapag sinisiyasat ang pang-aabuso sa proyekto, kabilang na ang pinaghihinalaang paggamit ng malilisyosong mga "tau-tauhang medyas" (kakambal na mga akawnt), bandalismo, panliligalig ng ibang mga tagagamit, o mapanggulong ugali, ang mga tirahan ng IP ng mga tagagamit (hinango mula sa mga talaang iyon o mula sa mga rekord na nasa loob ng kalipunan ng dato) ay maaaring gamitin upang kilalanin ang (mga) pinagmulan ng mapagmalabis na asal. Ang kabatirang ito ay maaaring ibahagi ng mga tagagamit sa may-kapangyarihan na pampangangasiwa na mayroong pananagutan sa pagsasanggalang ng mga proyekto.

Upang makapagbigay ng estadistika ng pook. Makaestadistikang tinitikman ng translatewiki.net ang hilaw na dato ng talaan mula sa mga pagdalaw ng mga tagagamit. Ginagamit ang mga talaang ito upang makagawa ng mga pahina ng estadistika ng pook; ang hilaw na dato ng talaan ay hindi ginagawang pangmadla.

  • Upang masugpo ang mga suliraning teknikal, ang dato ng talaan ay maaaring eksaminin ng mga tagapagpauland sa loob ng kahabaan ng paglulunas ng mga suliraning teknikal at sa pagbakas ng may masasamang kaasalan na mga gagamba ng lambatan na pumupuno sa pook.

Ang translatewiki.net ay maaaring magkarga ng mga napagkukunang katulad ng JavaScript mula sa mga tagapaghaing panlabas, na maaaring makaapekto sa pagsasarilinan ng tagagamit (katulad halimbawa ng Google Adwords o mga pahiwatig sa pagsasalinwika). Bahala na ang tagagamit sa pagbabawas ng pagsisiwalat ng hindi ninanais na mga detalye dahil sa pagkakarga ng mga pinagkukunan na mula sa panlabas na mga tagapaghain.

Mga detalye sa pagpapanatili ng dato

Pangkalahatang mga inaasahan

Tirahan ng IP at iba pang mga kabatirang teknikal

Kapag humiling o bumasa ng isang pahina ang isang panauhin, walang kabatirang tinitipon na hihigit pa sa karaniwang nililipon ng mga pook sa lambatan. Maaaring magtabi ang translatewiki.net ng hilaw na mga talaan ng gayong mga transaksiyon, ngunit ilalathala ang mga iyon.

Kapag binago ng isang nakalagdang patnugot ang isang pahina, palihim na iniimbak ng tagapaghain ang kaugnay na kabatiran ng tirahan ng IP sa loob ng may hangganang haba ng panahon. Ang kabatirang ito ay kusang binubura pagkalipas ng isang takdang panahon. Para sa mga patnugot na hindi lumagda, ang ginamit na tirahan ng IP ang pangmadla at permanenteng kinikilala bilang may-akda ng pagbago. Maaaring makilala ng pangatlong partido ang may-akda magmula sa tirahang ito ng IP na kapiling ang iba pang makukuhang kabatiran. Ang paglagda sa pamamagitan ng isang inirehistrong pangalan ng tagagamit ay nakapagpapahintulot ng mas mainam na pagpapanatili ng pagsasarilinan.

Mga "otap" (cookies)

Nagtatakda ang pook ng isang pansamantalang otap ng inilaang panahon sa isang kompyuter ng panauhin tuwing dinadalaw ang isang pahina. Ang mga mambabasang walang layuning lumagda o mamatnugot ay maaaring tanggihan ang otap na ito; buburahin ito sa pagwawakas ng inilaang panahon ng pagtitingin-tingin. Mas marami pang mga otap ang maaaring itakda kapag ang isa ay lumagda upang mapanatili ang katayuan ng pagkakalagda. Kapag ang isa ay nagsagip ng isang pangalan ng tagagamit o hudyat sa pantingin-tingin ng isa, ang kabatirang iyon ay mananatiling nakasagip sa loob ng 30 mga araw, at ang kabatiran ito ay muling ipapadala sa tagapaghain sa bawat pagdalaw sa proyektong ito. Ang mga mang-aambag na gumagamit ng isang makinang pangmadla na ayaw gamitin ang kanilang pangalan ng tagagamit sa susunod na mga gagamit ng makina ay dapat na hawiin ang mga otap na ito pagkaraan ng paggamit.

Kasaysayan ng pahina

Ang mga pamamatnugot o iba pang mga pag-aambag sa proyekto ng mga salinwika, mga pahina ng tagagamit, mga pahina ng usapan at iba pang mga pahina ay pangkalahatang pinanatili nang walang hanggan. Ang pag-aalis ng teksto mula sa proyekto ay hindi permanenteng nagbubura nito. Sa pangkaraniwan ang sinuman ay makatitingin sa isang dating bersiyon ng isang pahina at makikita ang kung ang naroon dati. Kahit na ang isang artikulo ay "nabura", ang isang tagagamit na pinagkatiwalaan ng mas mataas na antas ng pagpunta ay maaari pa ring makita kung ano ang natanggal mula sa natatanaw ng madla. Ang impormasyon ay maaaring mabura nang pamalagian ng mga indibiduwal na nakakapunta sa translatewiki.net, subalit bukod sa bihirang mga pagkakataon kung kailan ang translatewiki.net ay nangangailangang magbura ng materyal na para sa kasaysayan ng pamamatnugot bilang pagtugon sa isang kauutsan ng hukuman o katumbas na prosesong pambatas, walang garantiya na mangyayari ang anumang permanenteng pagbubura.

Ambag ng tagagamit

Ang mga kontribusyon ng tagagamit ay pinagsasama-sama rin at makukuha ng madla. Ang mga ambag ng tagagamit ay pinagsasama-sama ayon sa kanilang katayuan ng pagrerehistro at paglagdang papasok. Ang dato ukol sa mga ambag ng tagagamit, katulad ng mga panahon ng pamamatnugot ng tagagamit at ang bilang ng mga pagbagong ginawa nila, ay makukuha ng madla sa pamamagitan ng mga listahan ng mga kontribusyon ng tagagamit, at nasa mga anyong pinagsama-sama na inilathala ng ibang mga tagagamit.

Pagbasa ng mga proyekto

Wala nang iba pang mga kabatiran hinggil sa mga tagagamit at iba pang mga panauhin na nagbabasa ng mga pahina ang kinukulekta na mahigit sa karaniwang tinitipon sa loob ng mga talaan ng tagapaghain ng mga pook na pangsangkalambatan. Bukod sa nasa itaas na mga hilaw na dato ng talaan na tinipon para sa pangkalahatang mga layunin, ang mga pagdalaw sa pahina ay hindi naglalantad sa madla ng katauhan ng isang panauhin. Ang pinahalimbawaan na hilaw na dato ng talaan ay maaaring magsama ng tirahan ng IP ng sinumang tagagamit, subalit hindi kinokopya na pangmadla.

Pamamatnugot ng mga proyekto

Ang mga pagbabago sa mga pahina ay kinikilala sa pamamagitan ng pangalan ng tagagamit o pangnetwork na tirahan ng IP ng patnugot, at ang kasaysayan ng pamamatnugot ay pinagsasama-sama sa pamamagitan ng may-akda sa loob ng isang listahan ng mga kontribusyon. Ang ganiyang impormasyon ay palagiang makukuha.
Nakalagdang mga nakapagpatalang mga tagagamit:
Ang nakalagdang mga tagagamit ay hindi nagbubunyag ng kanilang mga tirahan ng IP sa publiko maliban na lamang sa mga pagkakataon ng pagmamalabis, kabilang na ang pambababoy ng isang pahina ng wiki ng tagagamit o ng iba pang tagagamit na may kaparehong tirahan ng IP. Ang tirahan ng IP ng tagagamit ay nakaimbak sa mga tagapaghain ng translatewiki.net sa loob ng isang kapanahunan ng oras, at maaaring makita ng mga tagapangasiwa ng tagapaghain at ng mga tagagamit na napagkalooban ng pagpuntang may Suriin ang Tagagamit.
Ang kabatiran ukol sa tirahan ng IP, at ang kaugnayan nito sa anumang mga pangalan ng tagagamit na pinagsasaluhan ito, ay maaaring ilabas sa ilalim ng partikular na mga pagkakataon (tingnan sa ibaba).
Ang mga patnugot na gumagamit ng isang tagapaghain ng liham na pangkumpanya magmula sa tahanan o sa gumagamit ng telekomunikasyon sa pamamagitan ng isang DSL o ugnay sa Internet sa pamamagitan ng kable, ay malamang na madaling makilala sa pamamagitan ng kanilang tirahan ng IP; sa ganitong pagkakataon, maaaring madaling makilala at maiugnay ang lahat ng mga ambag sa proyekto na ginawa ng tirahan ng IP. Ang paggamit ng isang pangalan ng tagagamit ay isang mas mabuting paraan ng pagpapanatili ng pagsasarilinan sa ganitong kalagayan.
Mga tagagamit na nakapagpatala ngunit hindi nakalagda at mga hindi nagparehistro:
Ang mga patnugot na hindi lumagda ay maaaring makilala sa pamamagitan ng tirahan ng IP. Sang-ayon sa pagkakakunekta ng isang tao, ang tirahan ng IP na ito ay maaaring bakasin sa isang malaking tagagpaghain ng palingkuran ng Internet o mas nakatitiyak sa isang paaralan, lugar ng negosyo o tahanan. Maaaring gamitin ang impormasyong ito na kasama ang ibang kabatiran, kabilang na ang estilo ng pamamatnugot at mga kanaisan, upang makilala talaga ang isang may-akda.

Mga talakayan

Ukol sa mga pahina ng talakayan sa wiki:
Ang anumang pahinang mababago ay maaaring ang makateoriyang kinalalagyan ng isang talakayan. Sa pangkalahatan, ang mga talakayan sa translatewiki.net ay nagaganap sa mga pahina ng usapan ng tagagamit (na may kaugnayan sa partikular na mga tagagamit), sa sinusuportahang mga pahina ng usapan ng proyekto (na may kaugnayan sa partikular na mga proyektong sinusuportahan) o sa mga pahinang natatanging itinalaga upang manungkulan bilang mga porum (halimba na ang mga pahina ng Suporta). Ang mga inaasahang Pagsasarilinan ay inilalapat sa mga pahina ng talakayan na katulad ang paraan na isinasagawa sa iba pa mang mga lugar.
Sa pamamagitan ng e-liham:
Ang mga tagagamit ay hindi pinangangailangang maglista ng isang tirahan ng e-liham kapag nagpaparehistro. Ang mga tagagamit na nagbigay ng isang katanggap-tanggap na tirahan ng e-liham ay maaaring magpagana sa ibang nakalagdang mga tagagamit na magpadala sa kanila ng e-liham sa pamamagitan ng wiki. Kapag tumatanggap ng isang e-liham mula sa ibang mga tagagamit sa pamamagitan ng sistemang ito, ang tirahan ng e-liham ng isang tao ay hindi ibinubunyag sa kanila. Kapag pinili ang pagpapadala ng isang e-liham sa ibang tao, ipinapakita ang e-liham ng isang tao bilang ang nagpadala.
Ang tirahan ng e-liham na inilagay sa mga kanaisang pangtagagamit ng isang tao ay maaaring gamitin ng translatewiki.net para sa komunikasyon. Ang mga tagagamit na ang mga akawnt ay walang katanggap-tanggap na tirahan ng e-liham ay hindi maaaring makapagtakdang muli ng kanilang hudyat kapag naiwala. Subalit, sa ganyang pagkakataon, ang mga tagagamit ay magagawang makipag-ugnayan sa isa sa mga tagapangasiwa ng tagapaghain ng translatewiki.net upang makapagpasok ng isang bagong tirahan ng e-liham. Ang isang tagagamit ay makapagtatanggal ng tirahan ng e-liham ng akawnt mula sa kaniyang mga kanaisan sa anumang oras upang maiwasang magamit ito. Ang pribadong pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga tagagamit ay maaaring sagipin ayon sa pagpapasiya at pag-iingat ng mga tagagamit na iyon at hindi nasasaklawan ng patakaran ng translatewiki.net.
Hinggil sa IRC:
Ang mga kanal na IRC ay hindi opisyal na mga bahagi ng translatewiki.net at hindi pinaaandar sa mga tagapaghaing kontrolado ng translatewiki.net. Ang tirahan ng IP ng mga tagagamit na makakapagtalastasan sa ganyang serbisyo ay maaaring malantad sa iba pang mga kalahok. Ang pagsasarilinan ng mga tagagamit ng IRC sa bawat isang kanal ay maaari lamang maprutektahan alinsunod sa mga patakaran ng nakaukol na palingkuran at kanal. Ang magkakaibang mga kanal ay mayroong iba't ibang mga patakaran hinggil sa paglalathala ng mga talaan.

Pagpunta sa at pagpapakawala ng mapagkikilanlang pansariling kabatiran

Pagpunta:

Ang proyekto ay pangunahing pinatatakbo ng nagkukusang-loob na mga tagapag-ambag. Ilan sa dedikadong mga tagagamit ay binigyan ng mga pagpuntang may pribilehiyo. Bilang halimbawa, ang mga antas ng pagpunta ng tagagamit sa translatewiki.net ay nakabatay sa pag-iral ng tagagamit sa samu't saring "mga proyektong sinusuportahan". Ang mga karapatan ng pangkat ng tagagamit at mga kasapi ng pangkat ay mararating magmula sa pahina ng Natatangi:Listahan ng mga Karapatan ng Pangkat.

Ang ibang mga tagagamit na maaaring makapunta sa pribadong mapagkikilanlang impormasyon ay maaaring magsama ng, subalit hindi humahangga lang sa, mga tagagamit na nakakapunta sa tungkulin na Suriin ang Tagagamit, mga empleyado ng translatewiki.net, mga nahirang, at mga mangongontrata at mga ahente na inuupahan ng mga aparatista ng translatewiki.net, at mga tagapagpaunlad at iba pang mayroong matataas na mga antas ng pagpunta sa panghain.

Ang pagbabahagi ng kabatiran sa iba pang mga tagagamit na may karapatan ay hindi itinuturing na "pagpapamudmod."

Release: Patakaran sa Paglalabas ng Dato

Isang patakaran ng translatewiki.net na ang personal na mapagkakakilanlang mga datong natipon sa mga talaan ng panghain, o sa pamamagitan ng mga rekord sa loob ng kalipunan ng dato sa pamamagitan ng tampok na Suriin ang Tagagamit, o sa pamamagitan ng iba pang mga metodong hindi makukuha ng madla, ay maaaring pakawalan ng mga tagapagkusang-loob o tauhan, ayon sa anuman sa sumusunod na mga sitwasyon:

  1. Bilang pagtugon sa isang katanggap-tanggap na kaatasang humarap sa hukuman o iba pang hindi mahihindiang kahilingan mula sa pagpapatupad ng batas,
  2. May pahintulot ng napipinsalang tagagamit,
  3. Kapag kailangan para sa pagsisiyasat ng mga daing ng pagmamalabis,
  4. Kung saan ang kabatiran ay tumutukoy sa mga pagtingin sa pahina na nililikha ng isang gagamba o bot at ang pagsasaboy nito ay kailangan upang mailarawan o malutas ang mga paksang teknikal,
  5. Sa kung saan ang tagagamit ay nambababoy ng mga pahina o walang lubay na nag-aasal sa isang paraang mapanggulo, ang dato ay maaaring pakawalan sa isang tagapagbigay ng paglilingkod, tagapagdala, o ibang entidad na pangatlong partido upang makatulong sa pagpukol ng mga pagharang ng IP, o upang makatulong sa pagbabalangkas ng isang hinaing sa kaugnay na mga Tagapagbigay ng Serbisyo ng Internet,
  6. Kung saan makatuwirang kinakailangang prutektahan ang mga karapatan, ari-arian o kaligtasan ng translatewiki, mga tagagamit nito o ang madla.

Maliban sa inilarawan sa itaas, ang patakaran ng translatewiki.net ay hindi nagpapahintulot ng pagpapamudmod ng mapagkakakilanlang kabatirang pansarili kahit na ano pa man ang nangyayari.

Pagpunta ng pangatlong partido at pagpapabatid sa nakarehistrong mga tagagamit kapag tumatanggap ng prosesong pambatas:

Bilang isang pangkalahatang prinsipyo, ang pagpunta sa, at pagpapanatili ng, makapersonal na napagkakakilanlang dato sa lahat ng mga proyekto ay dapat na maging napakaliit at dapat na gamitin lamang na panloob upang mapaglingkuran ang kapakanan ng proyekto. Sa manaka-naka, ang translatewiki.net ay maaaring makatanggap ng subpena o ibang sapilitang kahilingan mula sa isang ahensiya ng pagpapatupad ng batas o isang hukuman o katumbas na katawan ng pamahalaan na humihiling ng pagsisiwalat ng impormasyon patungkol sa isang nakarehistrong tagagamit, at maaaring maatasan ng batas na sumunod sa kahilingan. Sa kaganapan ng ganiyang isang sapilitang kahilingan, tatangkain ng translatewiki.net na pabatiran ang naapektuhang tagagamit sa loob ng tatlong mga araw na pangnegosyo pagkaraan ng pagdating ng ganiyang kautusan sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang pabatid sa pamamagitan ng e-liham sa tirahan ng e-liham (kung mayroon) na inilista ng apektadong tagagamit sa kaniyang kanaisan na pangtagagamit.

Hindi mapapayuhan ng translatewiki.net ang isang tagagamit na nakakatanggap ng ganiyang pagpapabatid hinggil sa batas o isang naaangkop na katugunan sa isang subpena. Subalit, tinatandaan ng translatewiki.net na ang ganiyang mga tagagamit ay maaaring mayroong makabatas na karapatan upang paglabanan o hanggahan ang ganiyang kabatiran sa hukuman sa pamamagitan ng paghaharap ng isang mosyon upang mapawalang-saysay ang subpena. Ang mga tagagamit na nais kontrahin ang isang subpena o ibang kompulsoryong kahilingan ay dapat na maghanap ng payong pambatas hinggil sa mailalapat na mga karapatan at mga pamamaraan na maaaring makuha.

Kapag nakatanggap ang translatewiki.net ng isang kilos na iniharap sa hukuman upang salungatin o dili kaya ay limitahan ang subpena bilang isang resulta ng aksiyon ng isang tagagamit o ng kanilang manananggol, hindi ibubunyag ng translatewiki.net ang hinihiling na kabatiran hanggang sa makatanggap ang translatewiki.net ng isang kaatasan mula sa hukuman upang gawin iyon.

Ang nakarehistrong mga tagagamit ay hindi kinakailangang magbigay ng isang tirahan ng e-liham. Subalit, kapag ang naaapektuhang nakarehistrong tagagamit ay hindi nagbigay ng isang tirahan ng e-liham, hindi magagawa ng translatewiki.net na pabatiran ang apektadong tagagamit sa pamamagitan ng mga mensahe ng e-liham kapag nakatanggap ito ng mga paghiling mula sa mga tagapagpatupad ng batas upang ibunyag ang pansariling mapagkakakilanlang impormasyon hinggil sa tagagamit.

Pagtatatuwa

Naniniwala ang translatewiki.net na ang pagpapanatili at pangangalaga ng kapribaduhan ng dato ng tagagamit ay isang mahalagang pagpapahalaga. Ang Patakaran sa Kapribaduhan at mga kilos ng translatewiki.net, ay kumakatawan sa isang nakapangakong pagpupunyagi upang mapananggalang ang seguridad ng nakalimitang impormasyon ng tagagamit na tinitipon at iniimbak ng aming mga panghain. Gayun pa man, hindi mapapanagutan ng translatewiki.net na ang kabatiran sa tagagamit ay mananatiling pribado. Inaamin namin na, sa kabila ang aming nakapangakong pagsisikap na prutektahan ang pribadong impormasyon ng tagagamit, ang disididong mga indibiduwal ay makapagpapaunlad pa rin ng mga pangmina ng dato at iba pang mga kaparaanan upang hindi mapagtakpan ang ganiyang mga impormasyon at isiwalat ito. Dahil sa ganitong kadahilanan, ang translatewiki.net ay hindi makagagawa ng garantiya laban sa hindi pinapahintulutang pagpunta sa kabatirang ibinigay sa loob ng panahon ng pakikilahok sa mga proyekto ng translatewiki.net o kaugnay na mga pamayanan.

In cases of conflicting information between a translated version of this page and the original version in the English language, the English version will take precedence over the translated version.